Bakit mapaminsala ang #baha o FLASH flood?
Bukod sa nasisira ang ating mga tanim at ari-arian, na aanod rin ang matabang top soil papunta sa mga ilog hanggang dagat!
Sa halip na pumailalim muli ang tubig na malinis at maimbak sa mga under ground river at reservoir, ito ay sumasama sa maalat na tubig.
Kaya magkukulang ang ating FRESH water na ginagamit natin sa ating pang araw araw na buhay at sa irrigation ng ating mga tanim sa panahon ng tag-araw. Kung minsan wala nang mahigop ang ating mga bomba ng tubig!
Kaya lagi tayong pina pa alalahanan na magtipid sa #tubig
Hindi balanse o tuloy tuloy ang pag- ikot ng ating WATER CYCLE!
Isang solution na natutunan ko sa #JADAM farming ay ang SSS meaning SLOW, STOP, SINK.
SLOW : Magtanim ng mga puno! Alam na natin yan! Lalo na sa mga #watersheds. Revive natin ang rice terraces principle for Slope or un even ground or SALT technology.
STOP : Maglagay ng mga rain harvester sa mga bahay! Dapat requirement na ito sa mga building PERMIT!
Maglagay din ng mga water reservoir o palaisdaan sa gitna ng mga palayan.
Maglagay din sa mga park ng subdivisions! Isang halimbawa ay ang Nuvali.
Mag lagay din ng maliliit na dam sa ating mga farms.
SINK : Kapag na pondo ang tubig, wala itong pupuntahan kundi sa ilalim. At yan ang inaani natin sa ating mga deep well. Yung kaunti naman ay nag e evaporate at nagiging ulan. Pero ito ay matagal na proceso drop by drop.
CONSERVE #WATER!
AVOID FLASH FLOOD PERO HUWAG BASTA PADALUYIN ANG TUBIG SA MGA ILOG AT DAGAT.
"Father Heal our Land!"
No comments:
Post a Comment