Sunday, November 15, 2020

Car na binaha.

 #WhatToDo #Binaha #Ctto


Andyan na binaha na.  So ano next step?  Bago ang lahat, kung yung tipong lubog halfway o lubog ng buo yung sasakyan mapa 4 wheel or mc, HWAG NYO PO ISTART!!!! Ang iniingatan po dyan ang computer box and engine. Read on.


So ano ang immediate na gagawin,

1. Buksan nyo ang door gamit ang keys. Hwag nyo activate thru remote (pwera lang keyless kayo, no choice)

2.  Tanggalin sa battery  parehong terminal positive, negative. 

3.  Apakan ang preno para ma drain ang naiwan kuryente sa electrical and electronics ng sasakyan.

4.  Icheck sa insurance kung  may AOG rider kayo.  Kung meron, menos gastos, kung wala eh medyo magastos. 


Ano kailangan palitan

1.  Pull down and Drain fuel tank and replace fuel filter

2.  Drain oil 3x (opo 3 times, 1st 2 times using cheap regular oil para ma drain tubig and putik sa makina)  and pag malinis na drain, fill with required motor oil and replace oil filter.  Bale drain oil na binaha, fill regular oil and regular filter, start and idle for 15 mins, repeat drain, fill start and pag malinis na na drain na langis fill with required oil grade and required filter. 

3.  Full Drain and fill ATF or gear oil and clean ATF filter / Fill drain power steering fluid

4. Drain radiator and replace coolant

5.  Bleed brake fluid on all 4 wheels

6.  Repack all bearings, CV and shaft


Ano dapat patuyuin na

1.  ECU or computer box

2.  Lahat ng switches

3.  Speedometer gauge

4.  Headlight/taillight assembly

5.  Airfilter box and MAF sensor

6.  Stereo and speakers

7. Electric power steering harness


Ano dapat kalasin sa loob ng vehicle para patuyuin and i-detail

1.  Carpet

2.  All seats

3.  All sidings

4.  Aircon evaporator (kasi pumasok ang putik dyan and may electronics ang aircon.


Ang good news, most vehicles will survive flooding if maayos ang pagkakalinis ng computer box (if damaged beyon repair, replace ECU) and nareplace fluids. Naka pag refurbish na kami ng ondoy flooded vehicles so we speak from experience. 


What to expect bukas

1.  Punuan at pila sa car wash at sa casa

3.  Ubusan ng computer box sa casa at surplusan

4.  Hirap pagtawag sa towing and insuranc3

6. Lower resale value ng vehicles na galing sa area na binaha


Medyo magastos but yes narerestore po ang flooded vehicles by experienced hands po. Keep safe

No comments: