Mga sakit At kundisyon na maaaring magdulot ng panghihina ng katawan...
✔️ Stress – maraming uri ng stress na pwedeng makapagpahina ng katawan. Ito rin ay pwedeng maging sanhi o dahilan ng malalang mga sakit. Ang stress ay dapat na gamutin kung ito ay nagiging problema na sa pang araw araw na gawain sa trabaho, bahay at sa iba pang aktibidad.
✔️ Anemia – Ang pagkakaroon ng anemia ay kadalasang nagiging sanhi ng panghihina ng katawan at mabilis na pagkapagod. Ang kondisyong ito kung saan kulang ang red blood cells o hemoglobin para magdala ng sapat na oxygen sa tissues ng katawan.
✔️ Weakness and Fatigue (Chronic Fatigue Syndrome) – ito ay kondisyon ng katawan kung saan ang sobrang pagkapagod ay nakakaubos ng enerhiya. Ang taong may fatigue ay madalas din na may nararamdamang sakit gaya ng sakit sa ulo, sakit ng mga kasu-kasuan at sakit ng katawan.
✔️ Diabetes – ito ay sanhi na mataas na sugar sa dugo. Ang taong may diabetes ay dapat na magpakonsulta sa doktor, dahil kung hindi ito maagapan ay maaaring magdulot ng komplikasyon. Isa sa mga sintomas ng diabetes ay ang panghihina at panlalambot.
✔️ Problema sa Nerves o mga ugat – ilan sa mga Pilipino ang nakakaranas ng sobrang panghihina kapag may problema sa nerves o kaugatan. Ito ay maaaring mangyari kung ang naapektuhan ay ang spinal cord.
✔️ Impeksiyon – ang impeksiyon sa katawan ay pwedeng magdulot ng panghihina. Kung ang isang tao ay may lagnat at iba pang sintomas, agad na magpakonsulta sa doktor upang sumailalim sa mga pagsusuri at mabigyan ng karampatang lunas.
✔️ Cancer – nagdudulot ito ng pagtamlay at panghihina ng katawan kapag ito ay nasa malubhang kalagayan na. Kapag kumalat na ang cancer cells, maaaring bumaba ang timbang ng isang tao, mawalan ng gana sa pagkain at tumamlay.
✔️ HIV – ang taong may HIV ay posibleng makaranas ng panghihina. Ito ay dahil sa ang immune system o resistensiya ay nagsisimula nang maging mahina dahil sa virus.
✔️ Diarrhea – Ang diarrhea o LBM ay nakakapanghina ng katawan lalo na kung ang isang tao ay kulang na sa tubig. Dapat uminom ng sapat na dami ng tubig para mapalitan ang nawala sa duming inilalabas natin sa katawan.
✔️ Malnutrisyon – ang kakulangan sa sustansiya ng kinakain ay hindi lamang nangyayari sa mga bata. Ang ordinaryong tao ay pwedeng magkaroon ng kakulangan sa sustansiya sa katawan dahil sa hindi pagkain ng wasto at tama.
TANDAAN:
Ang impormasyon na nakapaloob dito sa Gabay sa Kalusugan - Pahina ng Kalusugan ay para lamang sa mga layuning pang-edukasyon at hindi kapalit ng payo, diagnosis o paggamot ng isang lisensiyadong manggagamot. Dapat kang humingi ng mabilis na pangangalagang medikal para sa anumang mga isyu sa kalusugan. Bisitahin ang iyong doktor. Salamat po.
No comments:
Post a Comment