Saturday, November 28, 2020

Empress advise

 “FYI and Gentle reminder.”


3 days po tayong walang trading.

Hanggang Monday pahinga po tayo. 


Gamitin po natin yun oras sa mga magandang bagay. Wag na wag magbabad sa negativity and toxic things at baka magflow po yan sa sarili at madala nyo pa sa loob ng bahay at pamilya nyo. 


Mas mainam na gawin ang mga bagay na ito at kung may alam ka pang iba pakiadvice lng sa comment section. 


✨First: Spend it with your love ones.


Baka sobra-sobra na yun oras na binibigay mo sa social media, nakatali ka na sa cellphone mo, o di kaya ay puro trabaho or trading ka na lng... 


Mainam na magbigay ng oras para sa mga mahal sa buhay. Make them feel your love and presence. Kumain kayo ng sabay sabay, magkwentuhan at kamustahan. Baka mamaya nasa loob nga kayo ng iisang bahay pero wala na kayong alam sa nangyayari sa isat isa, sa kapamilya mo, asawa, anak, kapatid... Kamusta na ba sila? 


Listen to me; Stay connected not only with your wifi but most importantly to your loved ones... 


✨2)Take a break and have time for yourself


Ayos lng magpahinga, kailangan mo yan para bumalik yun lakas at sigla ng katawan mo. Para lumiwanag at magkaron ulit ng clarity yun mind mo. Sleep, rest, you can take it easy. Bigyan mo din ng panahon ang sarili mo, you can treat yourself...


Remember, nagiisa ka lng, one life, you better take care of yourself. 


✨3)Review and reflect your trades


Ano lng nman ba yun 1 or 2hrs para ireview mo yun trades mo at ijournal diba... Importante yun sa atin, mapa Investor or Trader ka man. Dapat alam natin yun progress ng stock at sarili natin kung meron bang improvement at kung ano ang dapat itama at palaguin pa. Kumikita ba tayo, lumalaki ba yun capital or nalulugi...


You do it for yourself, for your goals, dreams and reasons... 


✨4)Have a Quiet time 


Para saan nman ito? Ito ay para sa spiritual being mo, your relationship to God. Isama na natin ang mental being mo.


Are you okay? Are you happy or sad? Emotionally drain or tired?


Admit it, napakaingay ng mundo na ito at super daming kontrabida at toxic. Kailangan mong magdetoxify at alisin lahat ng bad vibes na narinig, nakita at nababasa mo.


This is Self love, take care of yourself my friend. 


Life is grand and big.

Dont live your life in a box.

And be kind to everyone ❤️❤️

No comments: