Tuesday, November 10, 2020

Tamang posisyon ng pagtulog.

 Tamang Posisyon Ng Pagtulog


Pag may hyperacidity o acid reflux kayo sleep at your left side (side sleeper) at makatutulong yan para mabawasan ang sakit ng sikmura niyo sa hating-gabi o madaling araw.


Pag malakas kayong humilik sleep on your sides, pwedeng left or right side, at malaking bawas sa lakas ng paghilik.


Pag may sakit sa puso (congestive heart failure)  o baga (emphysema, asthma o bronchitis) mas maginhawang matulog ng nakatihaya (back sleepers) na may mataas na unan. Mga dalawa o tatlong unan ang taas.


Pag masakit ang batok dahil sa arthritis o stiffed neck maiging matulog ng nakatihaya pero wag gumamit ng unan sa likod ng ulo. Suportahan lamang ang batok ng nirolyong tuwalya.


Pag madalas kabagin, dighayin at ututin mas mabuting matulog ng nakadapa (stomach sleeper).


Pag nabubuwisit kayo sa asawa niyo (lalo na kung nahuli niyo si mister na may kulasisi o si misis naman ay non-stop sa kadadaldal) always sleep on the opposite side niya as in the image below.


😊

No comments: